SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Umabot na sa pito ang namamatay dahil sa rabies sa La Union.
Ayon kay Dr. Floce Decena, ng San Fernando City Veterinary Office, ang bagong biktima ng kagat ng aso na may rabies ay isang 70-anyos na lola ng San Fernando.
Sinabi pa ni Decena na mayroon pang 15 indibidwal na under observation dahil sa kagat ng aso.
Sa bayan ng San Fernando lamang ay nakapagtala na ng 239 dog bite cases.
Ayon sa veterinary office ng San Fernando, apat ang patay sa Bagulin dahil sa pag-uulam ng karne ng aso na may rabies at dalawa naman ang namatay sa Bacnotan matapos kagatin ng aso na may rabies.
Dahil dito, nagsasagawa na ang lokal na gobyerno ng anti-rabies campaign.
The post UPDATE: 7 na patay sa rabies sa La Union appeared first on Remate.