LALO lamang napahamak ang isang lalaking nambalatuba sa kanyang pinik-up na sex worker nang tumakas sa huhuling pulis at aksidenteng nahulog sa kanyang condominium unit sa Quezon City.
Nalasog ang buto at namatay noon din ang biktimang si Edwin Pichay, 50, may-ari ng isang condo unit sa ika-apat na palapag ng 15th storey Future Point Plaza II condominium sa may Mother Ignacia St., Barangay South Triangle, Q.C.
Sa imbestigasyon, naganap ang insidente pasado alas-3 nitong Linggo ng madaling-araw sa may fire exit na nasa ika-apat na palapag ng nasabing condominium.
Bago ito, dumulog ang isang 22-anyos na babaeng sex worker sa Kamuning Police Station para ireklamo si Pichay ng pananakit at hindi pagbabayad ng P500 kapalit ng quikie sex.
Pumunta ang ilan sa mga operatiba para imibitahan si Pichay hinggil sa reklamo ng nasabing sex worker.
Imbes na buksan ang pintuan, nakarinig ang mga operatiba ng malakas na pagbagsak sa may fire exit na nasa ika-apat na palapag ng condominium.
Nang tingnan nila ang pinagmulan ng ingay, nakita nila ang nakahandusay na lalaki na kinalaunan ay nakilalang si Pichay.
Ibinigay na agad ang kaso sa Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) para sa kaukulang imbestigasyon.
Ayon sa pulisya, pinik-up ni Pichay ang nasabing sex worker at dinala sa condo unit nito
ngunit matapos ang pagtatalik at imbes bayaran, sinaktan ni Pichay ang babae at pilit na pinahihithit ng droga.
Narekober ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa loob ng condo unit ng suspek.
The post Nang-estafa ng sex worker: Lalaki nahulog sa condo, tigbak appeared first on Remate.