Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Abogado dakip sa kasong estafa sa QC

$
0
0

ARESTADO ang isang abogado dahil sa kasong estafa at pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa loob ng isang computer shop sa Quezon City nitong nakalipas na Abril 30, 2014.

Si Armando Sebastian, 48, abogado ng 74 San Antonio St., San Francisco del Monte, QC ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Inocencio D. Maliaman ng Branch 14, ng Regional Trial Court ng Manila dahil sa kasong estafa.

Dinakip si Sebastian sa loob ng Extoys Computer Shop sa kahabaan ng Tolentino St., San Francisco del Monte, nitong nakalipas na Miyerkules, Abril 30, 2014.

Nabatid sa ulat na isisilbi sana ng mga pulis sa pangunguna ni Inspector Melchor Myron de Oca at tatlong kasamahan nitong pulis ang isang warrant of arrest sa naturang abogado matapos makatanggap ng impormasyon na nasa loob ng naturang computer shop.

Matapos isilbi ang naturang warrant kusa namang sumama sa mga awtoridad ang abogado subalit nang kapkapan ay nakuhanan  siya ng hindi lisensyadong baril na .9mm.

The post Abogado dakip sa kasong estafa sa QC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>