PANAHON na para ituro sa kabataan ang maagang pagpasok sa pagnenegosyo upang maging gabay sa pagsisismula kung pipiliin nila kesa sa mangamuhan.
Kumpiyansa ang isang lady solon na malaki ang maitutulong sa paglago ng ekonomiya kung maisasama sa private at public high school curriculum ang ukol sa entrepreneurship.
Sa inihain na panukala, ang Senate Bill No. 147 o ang “Act Requiring the Inclusion of Entrepreneurship, nais ni Sen. Cynthia Villar na ihiwalay ang subject sa high school.
Aniya, maituturing na ‘key driver’ ang entrepreneurship sa ekonomiya para maabot ang tagumpay.
Iginiit nito na ang yaman ng bansa at karamihan sa malalaking negosyo ay nagsimula sa maliit na itinaguyod ng “entrepreneurially-minded individuals’.
Aniya, nakahihigit ang kakahayan ng may alam sa pagnenegosyo na magamit ang kanyang creative freedoms.
Tinukoy pa ng solon na sa ibang bansa, sinisimulan nang ituro ang entrepreneurship sa elementary at bahagi na ito ng kanilang curriculum hanggang sa kolehiyo.
Alinsunod sa panukala, magtatalaga ang Department of Education Secretary ng Head Subject Specialist na mangunguna sa pagpapatupad ng subject na ito.
The post Entrepreneurship isasama sa HS curriculum appeared first on Remate.