WALANG good news na maririnig ang mga manggagawa mula kay Pangulong Benigno Aquino III sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa bukas, Mayo 1.
Sinabi Presidential spokesman Edwin Lacierda na 26 na dayalogo na aniya ang idinaos sa Malakanyang na aniya’y katanggap-tanggap naman sa labor groups ang mga napagkakayarian sa dayalogo.
Isa aniya sa sinuportahan ng labor groups sa pangunguna ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay ang tax break dahil nauna na aniyang ibasura ng Pangulong Aquino ang umento sa sahod.
Kaya nga aniya agad na inatasan ni Pangulong Aquino ang Labor Secretary Rosalinda Baldoz at Internal Revenue Commissioner Kim Henares na pag-usapang mabuti ang usaping ito.
“That’s the reason why President Aquino ordered or instructed Secretary Baldoz and Commissioner Henares to sit down and study this thing further because, again, you have also the issue of the uniformity of taxation. We want to make sure that whatever we do should be uniform and should not unfairly prejudice any one sector,” anito.
The post PNoy, walang good news sa Araw ng Manggagawa appeared first on Remate.