Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Buntis, binugbog ng mag-utol na bebot

$
0
0

ISANG ginang na 8-buwang buntis ang pinagbubugbog ng isang magkapatid na babae na pinausod lamang habang sakay ng isang pampasaherong jeep sa Malabon City kagabi.

Nahuli ang mga suspek na sina Raycel dela Cruz, 19, at kapatid nitong si Cherry Ann, 17, kapwa ng Brgy. Maysilo ng nasabing lungsod na nasa pangangalaga ng Social Welfare Department (SWD).

Base sa salaysay ng biktimang si Marilou Bautista, 35, ng Macopa St., Brgy. Potrero ng nasabing lungod, dakong 8:00 ng gabi nang sumakay siya ng pampasaherong jeep kasama ang kanyang panganay na si Shaika, 5-taong-gulang na babae.

Pagsakay sa jeep ay dinatnan ng una ang mga suspek na may kasamang isang lalaki kung saan agad na nakiusap ang buntis na kung puwedeng umusod ang mga ito dahil nahihirapan siya sa laki ng tiyan.

Hindi na lamang pinansin ng biktima ang pagmumura ng mga suspek at nang pumara na ang mga suspek ay agad na hinagisan ng tunaw na ice cream si Bautista bago  sinabunutan, tinadyakan sa tiyan at pinakakalmot.

Pinagbantaan pa umano ng mga suspek ang biktima na mamamatay ang batang nasa sinapupunan nito.

Mabilis namang nakahingi ng tulong ang biktima dahilan upang maaresto ang mga suspek at nakitang may mga kalmot din sa braso ang kanyang anak na pumagitna sa away ng ina at mga suspek.

Kilala umanong kapwa-pasaway ang magkapatid na suspek na dumepensa pang hindi nila alam na buntis ang ginang na malaki na ang tiyan.

The post Buntis, binugbog ng mag-utol na bebot appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Suso ng 15-anyos nilamas ng 20-anyos


‘Kalye Demonyo’ sa Bulacan nilusob, 2 tulak lagas


Pag-IBIG opens second branch in CDO


Rider, angkas timbog sa P340K shabu sa QC


Tula Tungkol sa Bagyo


Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino


LUMPASAY


IYOT


KANTUTAN


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


Pinagalitan ng magulang, 15-anyos nagbigti


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Tata Selo


Mga kasabihan at paliwanag


PALAPA


Suspek sa pagpatay sa Pinay sa Dubai arestado



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>