WALANG balak si US President Barack Obama na makisawsaw sa territorial dispute ng Pilipinas sa China sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Malinaw na walang commitment na ibinigay si Pres. Obama kay Pangulong Aquino pagdating sa isyu ng WPS.
“As a matter of international law or norms, we don’t think that coercion or intimidation is the way to manage these disputes. Our goal is not to counter China. Our goal is not to contain China. Our goal is to make sure that international goals and norms are respected and that includes in the area of maritime dispute,” ayon kay Pres. Obama sa idinaos na Joint Press Conference sa President’s Hall kanina.
Sinabi pa niya na kahit saang bansa siya magpunta ay nananatili ang kanyang posisyon na hayaan na magkaroon ng mapayapang solusyon ang usaping ito.
“We welcome China’s peaceful rise. We have a constructive relationship with China. There is enormous trade; enormous business that is done between the United States and China; a whole range of issues on the international stage in which cooperation between the United States and China are balanced,” aniya pa rin.
Binigyang diin pa rin ni Pres. Obama na wala silang ginagawang anumang hakbang sa nangyayaring girian sa pagitan ng mga bansang umaangkin sa West Philippine sea (WPS).
At iyon bilang paggalang na lamang sa bagong defense cooperation agreement na kalalagda lamang na aniya ay malawak ang nilalayon.
Magandang oportunidad din aniya ang bagong defense cooperation agreement para sa Navy at Air Force na magkaroon ng information-sharing at hayaan ang Amerika na tugunan ang mga bagong banta at makipagtulungan din sa iba pang bansa katulad ng ASEAN countries, Australia at Japan.
“My hope is that, at some point, we’re going to be able to work cooperatively with China as well. Because our goal here is simply to make sure that everybody is operating in a peaceful, responsible fashion. When that happens, that allows countries to focus on what is more important to people day-to-day and that is prosperity, growth, jobs. You know, those are the things that we as leaders should be focused on, need to be focused on. And if we have security arrangements that avoid conflict and dispute, then we’re able to place our attention on where we should be focusing,” lahad nito.
Kinastigo naman ni Pres. Obama ang pananakot na ginagawa ng China sa iba pang mga bansang umaangkin sa WPS.
Aniya, suportado nila ang paraan ng Pilipinas na idaan sa diplomasya ang reklamo nito sa China lalo na ang inihain na kaso sa international tribunal.
Maingat namang sumagot si Pres. Obama sa tanong kung tutulong ang Amerika sa Pilipinas sakaling sumiklab ang digmaan sa kabila na merong umiiral na Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng dalawang bansa.
Samantala, kapwa naman naniniwala sina Pangulong Aquino at Pres. Obama na mas makabubuti na pagtuunan na lamang ng pansin ng China ang pagpapalakas sa ekonomiya at komersiyo sa halip na patuloy na mag-ingay sa pag-angkin ng WPS.
The post US walang balak makisawsaw sa territorial dispute ng Pinas at China appeared first on Remate.