PINALAGAN ng isang Solon ang nakagawian ng mga kompanya sa pagkuha ng empleyado batay sa edad.
Maituturing aniya itong diskriminasyon sa mga manggagawa na higit sa edad na 45 na may kakayanan pang magtrabaho.
“Hindi katanggap-tanggap ang ganitong gawain dahil nais nating hikayatin ang ating mga kababayan na maging produktibo kahit ano pa ang edad,” ani Sen. Bam Aquino, chairman, Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.
“Kung pipigilan natin silang gamitin ang karapatang ito, malinaw na diskriminasyon ito na walang lugar at dapat ipagbawal sa ating lipunan,” giit pa ng batang solon.
Reaksyon ito ni Aquino kasunod ng tinanggap na reklamo mula sa ilang naghahanap ng trabaho sa ilang kompanya na ayaw tumanggap ng mga aplikante na nasa higit 45 ang edad.
Aniya, dapat bigyan ng tsansang makapagtrabaho at kumita ang mga may edad na, basta’t kaya pang gampanan ang tungkulin na hinihingi ng trabaho.
Iginiit nito na isusulong na maalis ang age requirement ng mga kompanyang naghahanap ng manggagawa.
Sa isang sulat na natanggap ni Aquino sa 55-anyos, ex-overseas Filipino worker, hiniling nito na maghain ng panukala na mag-aalis sa maximum age limit na 45 na ipinatutupad ng mga kompanya sa aplikante.
Nanawagan din si Aquino sa mga kompanya na ibatay ang pagkuha ng aplikante sa kakayahan at hindi sa natapos.
The post Age requirement sa job applicants pinalagan appeared first on Remate.