TODAS ang isang bilanggo makaraang ma-stroke habang nasa loob ng kanyang selda sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Dagupan sa Pangasinan.
Nabatid na itinakbo sa pagamutan ang biktimang si Leonardo Solo, 66, ng Dawel Pantal sa nasabing Dagupan, makaraang makaramdam ng sama ng pakiramdam na natuloy sa stroke.
Nananawagan naman ang pamunuan ng BJMP-Dagupan sa sinumang nakakakilala rito dahil walang dalaw ang nabanggit na inmate at hindi rin nakakaintindi ng salita sa Pangasinan dahil purong Tagalog ito.
The post Bilanggo na-stroke sa selda, todas appeared first on Remate.