TUMIMBUWANG ang isang pintor matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin habang umiinom ng kape sa tapat ng kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City kaninang umaga Abril 27, 2014.
Kinilala ang biktima na si Rogelio Ganate , 43, ng 76 Paquita St., Gulod, Novaliches, QC.
Si Ganate ay nasawi noon din dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang ulo mula sa hindi pa nabatid na kalibre ng baril.
Naganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktimia sa 76 Paquita St., Gulod, Novaliches, QC alas-5:15 ng umaga.
Nabatid na nagkakape ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang dumating ang suspek na armado ng baril at binaril sa ulo ang biktima.
Matapos bumulagta ang biktima ay tumakas ang suspek.
The post Pintor tinodas habang nagkakape appeared first on Remate.