WALANG iba kundi si Bryan Castillo,o mas kilala sa “Pride of Pembo” ang nag-uwi ng P1 million nang tanghaling grand winner sa reality TV series na “The Biggest Loser Pinoy Edition: Doubles” kagabi.
Sa ngayon ay 139 pounds na lang ang timbang ni Bryan, makaraang mag-lose ng 154 pounds matapos pumasok sa Biggest Loser camp, nitong nakaraang taon.
Bukod sa P1 million, ay may lifetime gym membership din si Bryan sa Gold’s Gym, may Whirlpool appliances, P100,000 worth of sporting goods ng Toby’s Sports, at Fruitas franchise.
Pumasok si Bryan sa Biggest Loser camp kasama ang kanyang kapatid na si Ikya, at tinaguriang team Magkapatid.
First runner-up naman si Kayen na nag-uwi ng P500,000, Whirlpool appliances at one-year membership sa Gold’s Gym.
Sina Francis Asis at ang 45-year-old na si Osie Nebreja ang second runner-up at third runner-up.
The post Bryan Castillo tinanghal na ‘Biggest Loser’ appeared first on Remate.