MULING nag-alburuto ang bulkang Taal matapos makapagtala ng dalawang pagyanig sa paligid nito kaninang umaga, Abril 22, Martes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala ng pagtaas ng water temperature sa bunganga ng bulkan na 32.5*c, na dating 30.0*c.
Nakapagtala din ang PHIVOLCS ng pagbaba ng water level sa paligid ng bulkan mula 0.48 meter hanggang 0.43 meter.
Nakataas pa rin sa alert level 1 ang paligid ng bulkan at may posibilidad na pumutok ito.
Ipinagbawal ng PHIVOLCS sa publiko ang paglapit sa bulkan at pagtatayo ng bahay sa paligid nito.
The post Bulkang Taal muling nag-alburuto appeared first on Remate.