Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Ukay-ukay sa Sibugay sumiklab

$
0
0

NAABO ang P.5 milyong halaga ng ari-arian makaraang masunog ang isang truck na puno ng ukay-ukay habang nakaparada sa Bomba Bridge, Barangay Timbang-Timbang, Alicia, Zamboanga Sibugay.

Sa imbestigasyon, ang negosyanteng may-ari na nagmamaneho ng nasunog na truck na si Usman Danny Omming ay kaaalis pa lamang sa kanilang bahay papunta sa kanyang tindahan nang mapansin na may problema ang takbo ng kanyang sasakyan.

Bunsod nito, itinigil muna niya ang kanyang sasakyan sa mismong tulay at naglakad pauwi para kumuha ng mga gamit para ma-repair ang sira ng truck.

Ngunit laking gulat na lamang niya nang makitang sumiklab na ang trak kung saan dahil sa laki ng apoy ay hindi na nagawa pang apulahin at nasunog ang kanyang negosyong ukay-ukay.

Malaki ang paniniwala ng negosyante na aksidente lamang ang nangyari at walang foul play.

The post Ukay-ukay sa Sibugay sumiklab appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan