NASA 18 na ang bilang ng kumpirmadong namatay sa paglubog ng passenger vessel sa South Korea habang 287 pa ang missing.
Karamihan sa 447 pasahero ng Sewol ay mga estudyante na patungo sa resort island na Jeju para sa field trip.
“Honestly, I think the chances of finding anyone alive are close to zero,” pahayag ng isang opisyal ng coastguard.
Una rito, humingi ng sorry ang kapitan ng lumubog na passenger vessel sa South Korea.
Ayon kay ship Captain Lee Joon Suk, speechless siya sa insidente pero nais mag-sorry sa mga pamilya at kaanak na lulan ng ino-operate niyang barko.
“I am sorry. I am at a loss for words,” wika ni Lee habang nasa Coast Guard station.
Sa ngayon, hindi pa mabatid ang tunay na sanhi ng paglubog ng barkong Sewol pero posibleng maharap sa kasong negligence at accidental homicide ang naturang kapitan.
Pinapamadali na rin ni South Korean President Park Guen-hye ang search operation dahil naniniwala ito na may survivors pa.
Umaabot sa 169 barko, 29 eroplano at 512 divers ang tumutulong para sa nagpapatuloy na rescue operation.
Sa mga susunod na araw ay gagamit na rin ng cranes ang mga crew para maiahon ang lumubog na barko.
The post UPDATE: 18 na patay sa lumubog na barko sa SoKor appeared first on Remate.