DARATING sa bansa ang labi ng Filipino seaman na pinatay matapos mabiktima ng robbery hold-up sa Honduras sa Central America noong Abril 7.
Batay sa impormasyon, sa Abril 19 ng gabi o Sabado de Gloria, darating sa Pilipinas ang bangkay ng biktimang si Jaycob Escobedo Gaban lulan ng United Air Flight UA183.
Kinabukasan naman o Linggo ng pagkabuhay ay iuuwi ang labi ng naturang Filipino seaman sa hometown nito sa Sorsogon, Bicol.
Inatasan na ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bigyan ng full assistance ang pamilya ni Gaban.
Ang 27-anyos na manggagawang Pinoy ay nagtrabaho bilang assistant cook sa Norwegian Pearl.
Napag-alaman na gamit nito ang kanyang iPad habang nasa restaurant sa tourist island ng Roatan, nang muntik itong hablutin sa kanya ng suspek pero nanlaban ito kaya binaril ng magnanakaw.
Naaresto naman ng pulisya ang snatcher.
Kabilang sa matatanggap ng misis at anak ng biktima ay ang death and burial benefits, gayundin ang scholarship at livelihood grant.
The post OFW na pinatay sa Honduras iuuwi sa Sabado appeared first on Remate.