TIWALA si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na walang epekto ang pagkakadamay ng apat na MILF sa engkuwentro ng militar at Abu Sayyaf sa Basilan.
Dagdag pa ng Pangulong Aquino na batay sa report, napatay ang apat, hindi bilang MILF kundi bilang kamag-anak ng mga terorista.
Ayon sa Pangulong Aquino, wala namang kinalaman o basbas rito ng Central Committee sa pakikialam ng apat na MILF sa operasyon ng militar.
Una rito, nilinaw ni Peace Adviser Ging Deles na hindi pa opisyal na naidedeklarang mga miyembro ng MILF ang apat na napatay sa Basilan encounter.
Kinumpirma na ito ni AFP chief Emmanuel Bautista at ni MILF vice chairman for political affairs Mohager Iqbal na nagpapatawag ng imbestigasyon.
Sinabi ni Deles, dapat matiyak kung may MILF nga sa mga napatay.
Ayon kay Deles, may umiiral na ceasefire mechanism ang gobyerno at MILF para sa kaukulang aksyon.
Iginiit naman ni Deles na lehitimo ang operasyon ng militar sa Basilan laban sa mga grupo ng terorista.
The post Pagkamatay ng ilang MILF member sa Basilan clash, walang epekto sa peace deal appeared first on Remate.