NILINDOL ng 4.8 magnitude ang ilang bahagi ng hilagang silangan ng Mindanao kaninang alas-10:43 ng umaga, Abril 15.
Natukoy ng PHIVOLCS ang epicenter ng nilindol sa layong 88 kilometro sa timog silangan ng Tandag, Surigao del Sur.
May lalim lamang itong 15 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, naitala naman ang intensity III sa Tandag, Surigao del Sur habang intensity II naman sa San Miguel, Surigao del Sur.
The post Surigao del Sur nilindol appeared first on Remate.