TINIYAK ng Malakanyang na walang brownout sa Semana Santa kahit pa isinailalim sa yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Hindi rin magiging dahilan ng brownout ang emergency shutdown ng Unit II ng Masinloc power plant sa Zambales at ilang maintenance shutdown ng ilang planta.
Iyon ay dahil pinanghawakan ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., ang ulat ni Energy Undersecretary Raul Aguilos na asahan nang babalik sa normal na sitwasyon ang suplay ng kuryente sa Luzon.
Ang balik-normal na power situation sa Luzon ay bunsod ng mga karagdagang kapasidad ng mga nasabing planta.
The post Walang brownout sa Holy Week – M’cañang appeared first on Remate.