MINALIIT ng Malakanyang ang babala ni Chinese Premier Li Keqiang laban sa probokasyon o panghahamon ng Pilipinas sa pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na nananatili ang posisyon ng Pilipinas sa non-provocation level sa pagresolba ng territorial dispute sa Tsina.
“I think it’s clear to everyone that the Philippines has always taken a position of non-provocation and we’ve always subscribed to having a peaceful resolution to this dispute. You can see this in our actions in the past where we have been deliberately avoided situations that can increase the tension in the West Philippine Sea,” ayon kay Usec. Valte.
Sa ulat ng Wall Street Journal, mababasa ang pahayag ni Chinese Premier Li na handa nilang tugunan ang anumang probokasyon mula sa mga bansang umaangkin sa WPS.
Nauna rito, kinalampag ng Pilipinas ang United Nations arbitration panel para aksyunan ang ginagawang pag-angkin ng China sa South China Sea.
The post Babala ng Chinese Premier dedma sa Malakanyang appeared first on Remate.