KULONG ang isang mag-biyenan matapos makuha sa kanilang kustodiya ang tatlong bulto ng shabu na umaabot sa P45,000 ang halaga sa Bayambang, Pangasinan.
Kinilala ang mga suspek na sina Lydia at Lyn, kapwa ng Dagupan matapos arestuhin ng mga pulis sa isinagawang buy-bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bayambang-Philippine National Police (PNP).
Inamin ng dalawa na sa nasabing siyudad nagmumula ang suplay ng droga na kanilang ibinibenta sa mga kliyente sa Bayambang.
Depensa ng dalawa, nagawa lamang nilang magtulak ng iligal na droga dahil sa hirap ng buhay.
The post Mag-biyenang drug pusher tiklo sa Pangasinan appeared first on Remate.