Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Round trip sa MRT commuters itutulak ng Malakanyang

$
0
0

ITUTULAK ng Malakanyang sa Department of Transportation and Communication (DoTC)-MRT 3 ang suhestyon ng netizen na payagan ang mga MRT commuters na mag-round trip para mabawasan ang mahabang pila sa bawat istasyon nito.

Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., na dati na namang ginagawa ang turn around system o round –trip system kaya’t hindi na ito bago sa pandinig ng publiko.

Ang bayad ng round trip ay one shot lang hanggang sa ang commuter ay makarating sa kanyang destinasyon.

“Nakatanggap po kami ng suhestyon mula sa mga regular na pasahero na gumagamit ng pre-paid card. Ito po iyong tinanggap kong text message: “DOTC-MRT3 could allow again passengers to turn around. For example, going north to Quezon City, they can board at Buendia and Ayala stations. Or going south, board at GMA and be allowed to turn-around.” ani Sec. Coloma.

Sa mga nakalipas na araw aniya ay nagpahayag ang maraming mamamayan ng kanilang saloobin hinggil sa serbisyo ng MRT kung saan ang isa sa mga suliranin ng commuters nito ay ang napakahabang pila ng mga pasahero lalong-lao na sa North station at EDSA-Taft.

Bukod sa round trip ay natanggap pa rin ang Malakanyang ng isa pang suhestyon na ipararating din namin sa pamunuan ng DOTC-MRT3.

Ito aniya ay ang pagtagtakda ng performance targets sa maintenance contractor para mas maraming bagon ang pupuwedeng magamit sa serbisyo.

“We will forward this suggestion on improving availability for consideration of the DOTC-MRT3 management,” aniya pa rin.

Hinikayat ng Malakanyang ang mga MRT commuters na subukang sumakay ng bus o gumamit ng ibang means of transportation sa pagpunta sa lugar na kanilang destinasyon.

Sinabi ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., opsyon ito habang hinihintay ang pagdating ng 48 bagong bagon sa Pebrero ng taong 2015.

Aminado ang Malakanyang na may advantages ang paggamit ng MRT pagdating sa aspetong “economy and efficiency” dahil aniya sa walang traffic kapag nakasakay sa MRT subalit panahon na aniya upang tingnan naman ng MRT commuters ang ibang mga opsyon habang hinihintay ang pagdating ng mga bagong bagon ng MRT.

Samantala, humingi naman ng paumanhin at pag-unawa ang Malakanyang sa publiko lalo na sa mga MRT commuters dahil sa dinaranas na sakripisyo ng mga ito araw-araw.

Habang hinihintay aniya ang pagdating ng mga bagong bagon na darating sa bansa sa taong 2015 ay patuloy na sisikapin ng pamahalaan na maibsan ang problemang ng mga commuters.

The post Round trip sa MRT commuters itutulak ng Malakanyang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan