Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Warden ng Quezon District Jail sinibak

$
0
0

SINIBAK sa puwesto ng Bureau of Jail Management  and Penology (BJMP) ang  warden ng Quezon District jail  sa  Lucena  City matapos  ang  kontrobersyal sa suicide ni Dennis  Aranas, sinasabing lookout  sa Gerry  Ortega  case.

Ayon kay BJMP-Region IV director chief  Supt. Serrafin  Barretto, nagsumite  na  siya ng request  sa Commission on Election  para  sibakin sa  puwesto si Supt.  Annie  Espinosa, ang warden ng Quezon District jail habang  isinasagawa  ang imbestigasyon na  isasagawa  ng Philippine National Police at  National Bureau of Investigation.

Inirekomenda ng  BJMP  official   si  Supt.  Teofilo  Labating  bilang kapalit  ni Espinosa.

Ang  pagsibak  sa  puwesto kay  Espinosa  ay  matapos ang mga  kaanak ni Aranas  ay nagpahayag  ng  pagdududa  sa pagpapatiwakal  nito  na  sinasabi  ng BJMP.

Sinabi  ni  Barretto ayon sa report  na si  Aranas  ay  natagpuang  patay  at may  nakatali nang  strap ng  bag  sa leeg habang  ang  ibang inmates    ay  kumukuha  ng  pagkain.

Kaugnay  nito  ang mga  kaanak ni Aranas  ay  nagsabi  na  nakakita  sila  ng  mga  galos   sa   kamay ng  biktimia  at  iba pang  parte  ng kanyang  katawan at  hindi naniniwala  sa  anggulong  suicide  sa  pagkamatay nito.

Nagpahayag  din ng  pagdududa  ang  Public Attorney’s Office sa  theory  ng BJMP.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>