SIRA ang kinabukasan ng 7-anyos na bata nang molestiyahin ng kanyang sariling tiyuhin sa Sariaya, Quezon.
Ito’y matapos magsumbong ang bata sa kanyang ama sa ginawa sa kanya ng suspek na si Reynaldo De Villa, 50, STL collector.
Nangyari ang insidente nitong nakaraang Marso 28, 2014 sa loob mismo ng bahay ng suspek.
Ayon sa biktima, naglalaro siya sa labas ng bahay nang tawagin ng suspek at pinapasok sa bahay nito.
Nang makapasok ay doon na isinakatuparan ng matanda ang pagmomolestiya sa kanya.
The post 7-anyos pamangkin nireyp ng tiyuhin appeared first on Remate.