MAHIGPIT na binabantayan ngayong araw, Abril 3, 2014, ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) na namataan sa silangang bahagi ng ating bansa na pinangangambahang maging bagyo.
Ayon kay Buddy Javier, weather forecaster ng PAGASA, ang naturang sama ng panahon ay inaasahang papasok sa susunod na linggo sa Philippine area of responsibility (PAR).
Aniya, malaki ang tyansa na tuluyang mabuo bilang bagyo ang naturang LPA na tatawaging bagyong Domeng.
Sa kabila nito, patuloy namang nakakaranas ng maalinsangang panahon sa iba’t ibang panig ng bansa partikular sa Metro Manila sa susunod na tatlong araw.
Kahapon, naglalaro sa 24 hanggang 35 degrees Celsius ang antas ng temperatura.
Noong March 28, naitala ang pinakamainit na panahon sa Metro Manila na umabot sa 35.7 degrees Celsius ang temperatura.
The post LPA na papasok sa Phl, posibleng maging bagyo — PAGASA appeared first on Remate.