MANANATILING maayos ang bilateral relationship ng Pilipinas at China kahit pa itinutulak ng gobyernong Aquino ang “international arbitration on the territorial dispute.”
Binigyang-diin ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., na hindi naman nasusukat sa usapin ng West Philippine Sea (WPS) ang ikatatatag ng relasyon ng dalawang bansa.
Kaya nga, itinuturing ng pamahalaang Aquino na pansariling opinyon lamang ni Chinese Embassy charge d’affaires Sun Xiangyang ang naging pahayag nito na seryosong sinisira ng Pilipinas ang bilateral relations ng dalawang bansa dahil sa legal na hakbang ng gobyernong Aquino sa WPS.
Nauna nang sinabi ni Xiangyang na lubha silang nababahala sa consequences ng mga hakbang ng Pilipinas.
Sinabi ni Sec. Coloma na gaya ng inihayag ni Pangulong Aquino na ”the totality of Philippine-People’s Republic of China relations is not defined by the West Philippine Sea.”
Samantala, wala namang balak ang Piipinas na humingi pa ng permiso sa China bago pa ihain ang formal pleading sa tribunal.
The post Bilateral relationship ng Pinas sa China matatag pa rin appeared first on Remate.