NAGPAKAWALA na naman ng dalawang medium-range ballistic missiles ang North Korea sa sea of Japan.
Bagaman kinumpirma ng South Korean Defense Ministry na test-fire lamang ang isinagawa ng NoKor, nagdulot ito ng pangamba sa mga karatig bansa lalo sa SoKor at Japan.
Naganap ang test-fire sa gitna ng joint military drills ng South Korea at U.S. at pulong nina South Korean President Park Gyuen-Hye (pak-gyum-e), Japanese Prime Minister Shinzo Abe at U.S. President Barack Obama sa nuclear security summit sa the Hague, Netherlands.
Nanindigan naman ang Defense Ministry ng SoKor na malinaw na paglabag sa U.N. Resolution ang isinagawa ng North na senyales ng paghahamon ng digmaan.
The post NoKor nagpakawala na naman ng missiles appeared first on Remate.