KINANSELA na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Southern Commuter Carrier, Incorporated (SCCI) kaugnay sa South Luzon Expressway (SLEx) accident nitong Lunes ng umaga na ikinasugat ng 45 katao.
Sa desisyong inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaninang umaga, Marso 27, inanunsyo ni Chairperson Atty. Winston Ginez ang tuluyang pagkansela sa isa sa dalawang prangkisa ng SCCI.
Saklaw ng nasabing kanselasyon ng prangkisa ang 23 bus units ng kompanya na hindi na pahihintulutan pang bumiyahe.
Nabatid na biyaheng Batangas-Manila ang ruta ng kinanselang mga bus.
Nilinaw naman ni Ginez na hindi sakop ng kanselasyon ang isa pang prangkisa ng SCCI na may 30 units na biyaheng Caticlan-Cubao.
The post Prangkisa ng Southern Carrier Bus, kinansela na appeared first on Remate.