POSITIBO si House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na maisusulong sa Kamara ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) kapag pinirmahan na sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ito ay matapos sabihin ni Belmonte na welcome development sa Kongreso dahil mangyayari na ang pagwawakas sa apat na dekada ng labanan sa Mindanao.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang aniya ng Kamara ang draft ng bill para matalakay na rin ito ng mga kongresista.
Pinuri naman ng mga kinatawan sa Mindanao na sina Basilan Rep. Jim Hataman at Anak Mindanao Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pagsisikap ng Pangulong Aquino para maitatag ang Bangsamoro region para sa ganap na kasunduan.
Nagkakaisa ang mga nasabing mambabatas na para pagtulungan na maipasa ang batas tungo sa kapayapaan at pag-unlad ng Mindanao at ng buong bansa.
The post Kamara positibo sa kasunduan sa Bangsamoro appeared first on Remate.