ITINANGGI ng mga mismong testigo ang lumabas na ulat hinggil sa dalawang media personalities na isinasangkot sa pork barrel fund scam.
Ito ang lumitaw makaraang maghayag ng paglilinaw hinggil sa isyu si Atty. Levito Baligod, abogado ng mga whistleblower mula sa National Agribusiness Corporation (NABCOR).
Ayon kay Baligod, wala sa affidavit nina Rhodora Mendoza at Victor Cacal na isinumite sa Tanggapan ng Ombudsman ang pangalan ng dalawang media personality dahil wala namang kinalaman sa PDAF ang advertising expenses na ibinayad sa kanila.
Kinumpirma rin ni Justice Secretary Leila de Lima na wala nga ang pangalan ng dalawang brodkaster sa affidavit nina Mendoza at Cacal.
Paliwanag pa ni Baligod, ang pondo para sa advertising expenses ng NABCOR ay hindi kinuha sa PDAF, kundi galing sa Barangay Food Terminal Fund, isang uri ng Special Fund na galing sa Department of Agriculture Central Office.
Ang NABCOR ay attached agency ng Department of Agriculture (DA).
The post 2 media personality nilinis sa pork scam appeared first on Remate.