TIMBOG ang limang Korean national matapos mahuli sa illegal online gambling sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City nitong nakalipas na Biyernes ng gabi, Marso 24, 2014.
Ayon sa ulat, kinilala ang mga dinakip na sina RA Su Bo, 57, cook; Yu Sungki, 38, may-asawa; Ko Tae Myung, 31, binata; Byong Jun Lee, 43, binata at Wooaggi Min, 33, pawang ng South Korea at pansamantalang nanunuluyan sa 14-A Don Diosdado St., Don Enrique Heights, Holy Spirit, QC.
Sinabi pa sa ulat na nadakip ang naturang mga Koreano sa no.14-A Don Diosdado St., Don Enrique Heights, Brgy. Holy Spirit, QC alas-6:00 ng gabi nitong nakalipas na Biyernes, Marso 21, 2014 dahil sa pag-o-operate ng illegal online gambling.
Ayon kay Atty. Manny Gragasin, chief investigator ng QCPD City Hall Detachment, dinakip ang mga Koreano sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Presiding Judge Germano Francisco Legaspi ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) branch 77 dahil sa pag-o-operate ng illegal online gambling casino.
Nabatid pa kay Atty. Gragasin na wala ring permit to operate ang naturang online casino na pinamamahalaan ng mga naturang banyaga.
Kasalukuyan ngayon nakapiit ang mga Koreano na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 o Anti-Access Device in relation to P.D. 1602 City Ordinance o Conducting Business without Permit at Illegal Online Gambling.
The post 5 Koreano timbog sa illegal online gambling appeared first on Remate.