NA-INQUEST na sa Campo Crame ang mag-asawang top NPA leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon kasunod nang pagsampa ng panibagong kaso laban sa dalawa at sa lima pa nitong mga kasamahan.
Matatandaang nakuwelyuhan ang grupo ng mag-asawang Tiamzon sa Alonguisan, Cebu noong Sabado ng hapon matapos ang paglalatag ng mahigit dalawang buwan na surveillance at monitoring.
Kasong illegal possession of firearms ang panibagong kaso na isasampa laban sa mga naarestong NPA leaders at members.
Kasalukuyang nakapiit ngayon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sina Benito at Wilma at ang kanilang limang kasamahan.
Nabatid na dahil sa kinokonsidera silang “high-risk personalities”, napagdesisyonan na hindi na sila dalhin sa DoJ at sa halip sa multi-purpose hall ng kampo isinagawa ang inquest proceedings.
Sakay sa PNP coaster ang mga naarestong NPA leaders at members na pawang nakapang-preso ang kasuotan.
Ayon kay PNP PIO C/Supt. Reuben Theodore Sindac, ang pagsagawa ng inquest proceedings ay upang bigyang-daan ang pagsampa ng kasong illegal possession of firearms.
The post Mag-asawang Tiamzon na-inquest na appeared first on Remate.