SINASABING mga illegal logger ang apat na lalaking namatay matapos pagbabarilin sa Barangay Gata, Caramoan sa Camarines Sur kagabi, Sabado.
Nabatid na alas-9 kagabi nang maganap ang pamamaril na ikinamatay nina July Labiano, Reden Brondia, Salem Virtuz at Rene Labiano.
Itinuturong suspek sa pamamaril ang mga miyembro ng Task Force Sagip Kalikasan.
Sinasabing ang mga biktima ay nagsasagawa rin ng pamumutol ng mga puno bukod sa pagmimina.
The post 4 illegal logger utas sa pamamaril appeared first on Remate.