BINALAAN ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver ng jeep na magpapatupad ng P0.50 taas-pasahe kahit walang permiso.
Ani LTFRB Chairperson Winston Ginez, Disyembre 2013 nang magsumite ng petisyon para sa umento sa pasahe ang ilang transport group kabilang ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) at Pasang Masda, pero nitong Pebrero lamang nagsumite ng motion for P0.50 provisional increase ang mga ito.
Itinanggi rin ni Ginez ang ikinakatwiran ng mga transport group na boluntaryo nilang ibinaba ang pamasahe noong 2012 sa P8 mula sa P8.50.
Ani pa ni Ginez, Marso 20, 2012 nang payagan ng LTFRB ang hirit nilang P0.50 provisional fare increase pero binawi mula sa transport groups noong Mayo 14, 2012.
The post Maniningil ng dagdag pasahe sa jeep binalaan ng LTFRB appeared first on Remate.