UMAABOT sa 1,000 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos sumiklab ang sunog kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Nabatid na alas-12:44 nang magsimula ang sunog sa ikaapat na palapag ng bahay na pag-aari ni Gina Miralles, sa CP Garcia St. Moriones, Tondo.
Nabatid na umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog na idineklarang fire-out alas-6:30 ng umaga.
Tumagal na maapula ang sunog dahil sa makipot na mga daan.
Wala namang nasaktan sa nasabing insidente.
The post 1,000 pamilya homeless sa sunog sa Tondo appeared first on Remate.