HANDA ang pamahalaan sa posibleng pag-resbak o pag-atake ng New People’s Army (NPA) matapos masilo ng militar sina Benito Tiamzon, Wilma Austria at limang iba pang rebel leaders sa Cebu kahapon.
Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, hindi naman lingid sa kanilang kaalaman ang magiging hakbang ng NPA dahil sa pagkakahuli sa mga ito.
Ayaw namang tiyakin ni Sec. Lacierda kung ang pagkakasilo sa mag-asawang Tiamzon ang tinutukoy na big fish ni Pangulong Aquino sa ulat noon na dapat nang asahan na makahuhuli ng “big fish” sa most wanted criminal ang militar.
Si Tiamzon ay kasalukuyang pinuno ng CPP at armed wing na New People’s Army (NPA), habang si Austria naman ay top-ranked CPP central committee member at finance officer.
Hindi nilabag ng militar ang JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees na nilagdaan sa pagitan ng GPH at CPP-NPA-NDF noong 1995 sa pagkakahuli kina Tiamzon.
Kaya nga, wala aniyang katotohanan ang inihayag ni exiled Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Ma. Sison na iligal ang pagkakahuli kina Wilma at Benito.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagreklamo si Jalandoni na nilabag ng militar ang JASIG sa tuwing nakakahuli ng mga lider ng komunistang grupo ang militar.
Kumpiyansa at naniniwala aniya ang GPH na hindi nilabag ang JASIG sa usaping ito.
Ipinagmalaki naman ng Malakanyang na isang malaking dagok sa CPP-NPA ang pagkakahuli sa mag-asawang Tiamson at limang iba pang rebel leaders.
The post Gobyerno handa sa resbak ng NPA appeared first on Remate.