NASAGIP ang dalawang Amerikanong sakay ng isang yate na sumadsad sa Bastera reef na bahagi ng Tubbataha reef sa Palawan.
Kinilala ang mga dayuhan na sina Linda McKiever, 60 at Rene Menz, 47.
Ayon kay PCG Spokesperson Arman Balilo, ang mga Kano ay sakay ng S.V. Cruella at nailigtas ng mga mangingisda sa timog-kanluran ng Tubbataha kahapon.
Nasa kustodiya na ng PCG ang mga dayuhan.
The post 2 Kano nasagip sa sumadsad na yate appeared first on Remate.