IMINUNGKAHI ng dalawang kongresista na gawin ng batas ang random drug test para sa publiko kasama ang mga estudyante.
Nakapaloob ito sa House Bill 3698 na inihain ng magkapatid na sina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Partylist Rep. Maximo Rodriguez, Jr. dahil hindi na epektibo ang sistema ng mandatory drug test.
Binanggit din sa panukala ang datus ng Philippine Drugs and Enforcement Agency (PDEA) na ang 14 na milyong sumailalim sa mandatory drug test sa iba’t ibang laboratoryo sa buong bansa ay .006 lamang ang nagpositibo.
Sa ilalim ng panukala, gagawin na ang random drug test maging sa mga estudyante, highschool at kolehiyo, gayundin sa mga kumukuha ng lisensya sa pagmamaneho, lisensya ng baril at permit to carry firearms outside of residence.
Gayundin, ang mga pribado at pampublikong opisyal at empleyado pati mga sundalo at pulis pati miyembro ng iba pang law enforcement agencies.
Hindi rin ligtas sa random drug test ang mga kandidato sa alinmang halal na posisyon at iyong mga naitatalaga sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno.
The post Random drug test, palit sa mandatory drug test appeared first on Remate.