TUSTADO ang apat na magkakapatid matapos pagsasaksakin at sunugin ng kanilang sariling nanay sa Meycauayan, Bulacan, kaninang madaling-araw.
Kinilala ang magkakapatid na sina Karyl, 9-anyos; Seth, 7; Zane, 3 at York, 1 sa kanilang bahay sa Jolo Street, Barangay Iba.
Nabatid na madaling-araw nang magliyab ang inuupahang dalawang-palapag na apartment ng pamilya Darlucio.
Kasama sa nasunog ang mga bata at nakita na lamang na nakasalampak sa sahig ang ina ng mga ito.
Hawak na ng pulisya ang 33-anyos na ina ng mga bata na sinasabing dumaranas ng matinding depresyon.
Ayon naman sa ina ng mga bata na hindi siya baliw, dahil kung wala siya sa sariling katinuan ay hindi niya naplano ang pagpatay sa kanyang mga anak na kanyang inamin na sinaksak niya muna bago sinunog.
Ayaw namang magbigay ng pahayag ng tatay ng mga biktima.
The post 4 anak pinatay, sinunog ni nanay appeared first on Remate.