Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Cudia pinasaringan ni PNoy

$
0
0

BAGUIO CITY- Hindi na nga pinayagang magtapos at makasama sa graduation rites ay pinasaringan pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang nadismis na si Cadet First Class Aldrin Jeff Cudia.

Sa naging talumpati ni Pangulong Aquino sa pagtatapos ng Philippine Military Academy (PMA) “Siklab Diwa” 2014 kanina sa Fort del Pilar, Baguio ay hinamon nito ang mga nagsipagtapos sa Class Siklab-Diwa 2014 na tungkulin ng mga ito  na pairalin at panindigan ang Honor Code sa loob at labas ng PMA.

Sinabi rin niya na kung mahigpit na itinatakwil ang pandaraya sa mga pagsusulit ay mangyaring iwasan din sana ang panlalamang sa procurement ng mga armas at kagamitan o ang hayagang paggamit at pang-aabuso sa kapangyarihan para lamang mag-overprice ng presyo ng isang bagay.

Kaya nga ang kanyang panawagan sa bawat kasapi ng Class Siklab-Diwa ay itaas pa ang antas ng paglilingkod at integridad ng Sandatahang Lakas.

Tiwala aniya siyang sa mga susunod na pagsubok na haharapin ng bansa ay nandiyan pa rin ang mga sundalong ikararangal ng Lahing Bayani sa Diwang Wagas—nagmamalasakit, nagsisilbi, at kasama niyang humahakbang tungo sa matagalang kapayapaan at kaunlaran sa lahat.

Buo aniya ang kanyang tiwala na isasabuhay ng lahat ng kasapi ng Class Siklab-Diwa ang prinsipyong kanyang nabanggit, at mananatili nawang tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.

The post Cudia pinasaringan ni PNoy appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan