PATAY ang 16-anyos na estudyante nang 30 beses pagsasaksakin sa Dao, Capiz sa ulat ng pulisya.
Nabatid na patay na nang matagpuan ang biktimang itinago sa pangalang Shirley sa isang talahiban sa Barangay Matagnop nitong Sabado.
Biyernes ng hapon nang huling makita ang biktima na pauwi na galing sa eskwelahan kasama ang babaeng kaklase.
Hindi pa tukoy ang motibo sa pagpatay sa biktima na may 30 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Inaalam na rin ng pulisya ang may gawa sa krimen.
The post Estudyante patay sa 30 saksak appeared first on Remate.