Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pampanga Provincial Jail warden pinahaharap sa CA

$
0
0

NAIS ng kampo ni Globe Asiatique Founder Delfin Lee na humarap din bukas, Marso 12 ang jail warden ng Pampanga Provincial Jail sa Court of Appeals (CA).

Kanina ay naghain ng supplemental petition sa Court of Appeals ang kampo ni  Lee kaugnay ng inihain nitong petition for Writ of Habeas Corpus para sa kontrobersyal na negosyante.

Ayon kay Atty. Willy Rivera, abogado ni Lee, nais din nilang maipatawag sa gagawing pagdinig bukas ang jail warden ng Pampanga Provincial Jail na kasalukuyang may kustodiya kay Lee.

Matapos kasi ang pagdinig sa Pampanga Regional Trial Court Branch 42 kahapon ay inilipat na si Lee ng kulungan, mula sa NBI-Pampanga patungo ng Pampanga Provincial Jail alinsunod sa kautusan ni Judge Amifaith Fider-Reyes.

Nababahala ang kampo ni Lee na kapag hindi nadesisyunan ang kanilang supplemental petition ay posibleng maging dahilan ito para mapagpaliban ang pagdinig.

Una nang iniutos ng Court of Appeals Special First Division sa PNP at NBI na dalhin at iharap bukas sa appellate court si Lee at bigyan ng katwiran ang ligalidad ng pagkakaaresto at pagbilanggo sa kanya.

The post Pampanga Provincial Jail warden pinahaharap sa CA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>