IRITADO na si House Committee on Games and Amusement Chairman at Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga sa dalawang PBA players na tumangging sumali sa National Team na Gilas Pilipinas.
Sinabi ni Barzaga na marapat na dapat ay kanselahin ng Games and Amusement Board ang license to play para kina Greg Slaughter at Marcio Lassiter.
Ani Barzaga, “flimsy” ang rason ng dalawang PBA players na nauna nang pinili na mapabilang sa Philippine Team pero umayaw na maging bahagi at maglaro para sa koponan.
Naunang ipinahayag nina Slaughter at Lassiter na umatras sila bilang manlalaro ng Gilas Pilipinas dahil sapat na anila ang 12 members ng koponan para kumatawan sa FIBA.
Ipinaalala ni Barzaga na sa harap ng popularidad at glamorous standing ng PBA Players ay ilan aniya sa mga ito ang tila nakakalimutan ang nakaatang na pagse-serbisyo nila para sa bansa gaya ng pagdadala ng Philippine Colors sa nalalapit na FIBA championship sa Spain sa Agosto.
Ipinaliwanag ni Barzaga na dapat ipaalala sa mga manlalaro na ang professibal basketball ay “subject to regulation” ng estado, at ang disservice sa bansa ay isang valid ground para tanggalan ng lisensya.
Punto pa ni Barzaga na noong naging Filipino Citizens ang mga PBA Fil-AM player, nanumpa sila na magiging tapat sa bansa.
Subalit sa sitwasyon, sinabi ni Barzaga na animo’y nakalimutan daw ng mga Fil-AM basketball players ang kanilang sinumpaan at noong napasya silang maging citizen at tumangging itayo ang bandila ng Pilipinas.
The post 2 PBA players pinatatanggalan ng lisensya appeared first on Remate.