PINABORAN ni House Speaker Feliciano Belmonte ang imbestigasyon ukol sa pagkakadawit ng pangalan ng kapatid ng isang kaalyado sa partido sa naarestong si Delfin Lee.
Ayon kay Belmonte, makabubuting imbestigahan ng Kamara ang diumano’y ginawang pagtawag ni Mindoro Oriental Governor Alfonso Umali kay PNP Chief Allan Purisima nang mahuli si Lee upang lumabas ang katotohanan.
Si Alfonso ay kaalyado ng administrasyon dahil treasurer ito ng Liberal Party at kapatid naman ito ni Mindoro Rep. Reynaldo Umali.
Wala naman anyang masama kung nagtanong lang ito pero ibang usapan na kung ang intensiyon ay manghimasok o harangin ang pag-aresto ng mga otoridad kay Lee na may kasong syndicated estafa.
Dinepensahan naman ni Rep. Umali ang kaniyang kapatid na gobernador sa pagsasabing wala raw koneksyon ang gobernador kay Lee.
Ang kaibigan aniya ng gobenraodr ay ang abogado ng presidente ng Globe Asiatique.
Ayon sa ulat, tumawag ang gobernador kay PNP Chief Alan Purisima, matapos maaresto noong Huwebes ng gabi sa lungsod ng Maynila si Lee.
Giit ng Mindoro solon, ang kaibigan ng kaniyang kapatid ay ang abogado ng negosyante at wala itong kaugnayan sa real estate magnate.
The post Magkapatid na Umali pinaiimbestigahan appeared first on Remate.