AYON na rin sa utos ng San Fernando City Regional Trial Court (RTC) kaninang hapon ay inilipat na sa si Delfin Lee sa provincial jail mula sa bungalow-type detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) Pampanga.
Sinubukan pang kwestyunin ni Willie Rivera, abogado ni Lee, ang kautusan sa katwirang ilegal ang pag-aresto sa kanyang kliyente dahil inabswelto na ito ng Court of Appeals (CA).
Kaninang umaga lang naghain ng Writ of Habeas Corpus sa CA ang kampo ng negosyante.
Pinaboran naman ng NBI ang paglipat kay Lee sa katwirang hindi pangmatagalang piitan ang bungalow house at mas matututukan anila ang seguridad nito sa provincial jail.
The post UPDATE: Delfin Lee nasa Pampanga provincial jail na appeared first on Remate.