NATIGBAK sa supokasyon ang isang dalaga sa Barangay San Jose, Calamba City, Laguna kaninang madaling-araw, Marso 10.
Sinabi ni Calamba Police Chief Marvin Saro, na natagpuan ang bangkay ng biktimang si Rons Cherry Mendoza, 27-anyos sa isa sa mga kuwarto ng kanilang bahay.
Sa report ng Calamba Police, sumiklab ang sunog sa bahay na pag-aari ng isang Ronald Mendoza alas-2:50 ng madaling-araw.
Dahil malaki na ang apoy, tumagal ng halos dalawang oras ang sunog bago idineklarang fire out alas-4 a.m.
Ayon kay City Health Officer Dra. Cora Tayer, suffocation ang dahilan ng pagkamatay ng biktima na pinaninniwalaang hindi nakalabas at nakulong sa kanyang kuwarto.
Aabot sa P500,000 ang halaga ng natupok ng apoy.
Inaalam pa ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protections ang sanhi ng sunog pero isa sa mga sinisilip na dahilan ay faulty electrical wiring.
The post Dalaga, tigbak sa supokasyon sa Laguna fire appeared first on Remate.