Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mass lay-off ibinabala sa power rate hike

$
0
0

IBINABALA ng ilang mambabatas na maraming kompanya ang magtatanggal ng mga empleyado dahil sa labis na taas ng singil sa kuryente.

Ito ang naging babala ni LPGMA Rep. Arnel Ty dahil ngayon pa lamang aniya ay marami ng kompanya ang nagbabanta ng pagsasara.

Ito ay dahil na rin aniya kung hindi mapipigilan ang pagtataas ng kuryente ng Meralco.

Sa ngayon ay naka-temporary restraining order (TRO) ang P4.15 na power rate hike ng Meralco resulta ng sabay-sabay na shutdow ng mga planta ng kuryente noong Nobyembre.

Hindi pa kasama rito sa halagang naka-TRO ang halos P5.00 na dagdag generation charge na hirit din ng Meralco na masingil sa loob ng anim na buwan na ipinetisyon na din ng iba’t ibang grupo.

Sinasabi ni Ty na maraming kompanya ang malakas kumonsumo ng kuryente ang tiyak na dadapa sa lugi kapag napabayaan ang Meralco na masingil ang mga power rate na ito.

Kabilang aniya dito ang produksyon ng metal, petrolyo, papel at tela.

Dahil dito, hinikayat ni Ty na kumilos na ang gobyerno.

The post Mass lay-off ibinabala sa power rate hike appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan