INUGA ng 3.4 magnitude na lindol ang Masbate kaninang madaling-araw, Marso 7, 2014.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa 004 kilometro hilagang silangan ng Masbate alas-2:25 ng madaling-araw.
Sinabi ng PHIVOLCS na ang origin ng lindol ay tectonic at may lalim sa lupa na 014 kilometro.
Bunga nito, naramdaman ang pagyanig sa lakas na intensity 3 sa Masbate City.
Wala namang naiulat na nasaktan o aftershocks sa naganap na lindol.
The post Masbate inuga ng 3.4 magnitude na lindol appeared first on Remate.