MAGTATAAS na ng clearance fees ang National Bureau of Investigation (NBI) simula sa April 1, 2014.
Batay sa ipinalabas na Administrative Order No. 31 na may petsang October 1, 2012 mula sa dating memorandum ng Secretary of Justice na may petsang February 25, 2014, ipinag-uutos at pinapayagan ang lahat ng namumuno ng Departments, Bureaus, Commissions, Agencies, Offices at Instrumentalists ng lahat ng National Government kabilang ang Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na magtaas sa kanilang kasalukuyang rates ng panibagong fees at charges.
Ang dating ibinabayad na P415 para sa mga kumukuha ng Naturalization, Cancellation of ACR at Repatriation ngayon ay P500 na ang halaga o P85 ang itinaas.
Sa mga kumukuha naman ng Change of Name, Business license, NFA, SEC, TCB, Adoption, POEA, PRA Requirement at Permit to Carry Firearms, P200 na ang halaga ng bayad mula sa dating P165 o P35 ang itinaas.
Tumaas naman ang bayad sa mga kumukuha ng Travel Abroad, Visa, Immigration Requirement, Visa Seaman, Seaman’s book, TCB for RTO, Local Employment, Custom Pass ID Enlisted AFP, DND, DOT Requirement , ID Purposes at iba pang requirement kung saan mula sa dating bayad na P115 ay P200 na ngayon ang halaga o P85 ang itinaas.
Layon ng pagtaas ng mga clearance fees na mapagaan ang cashiering system, hindi na mahihirapan sa pagsukli sa butaw at lumaki ang koleksyon ng pamahalaan para sa pagpapaayos ng iba pang sistema.
Nabatid na simula pa noong November 13, 2002 ay hindi pa nagtatas ng anumang pagsingil ng fees ang NBI.
Nagsagawa rin ng public hearing hinggil sa pagtaas ng nabanggit na mga fees hanggang March 28, 2014.
The post Clearance fees ng NBI magtataas appeared first on Remate.