IGINIIT ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi dapat paniwalaan ng publiko ang ulat hinggil sa propesiya na isang nakamamatay na sakit ang kakalat sa buong mundo, mula sa Pilipinas.
Ayon kay Villegas, hindi dapat pag-ukulan ng pansin ang naturang ulat lalo na’t nagdudulot lamang ito nang pagpapanik sa mga mamamayan.
Batay sa propesiya ng Indian prophet na si Vincent Selvakumar, isang nakamamatay na sakit ang kakalat sa buong mundo mula sa Pilipinas at kakain sa laman ng tao at tatagos maging sa buto nito.
Nataon naman ang ulat sa balita hinggil sa dalawang indibidwal sa Pangasinan na dumaranas ng misteryosong flesh-eating skin disease, sanhi upang mag-panic ang mga mamamayan.
Gayunman, pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang ulat at sinabing ang mga biktima ay tinamaan lamang ng sakit na ketong at psoriasis.
Kasabay nito, binatikos ni Villegas ang pagse-sensational ng isang news program sa balita na naging sanhi nang pagpapanik ng mga mamamayan.
“I think it is causing unnecessary panic to the people and it is not what we need at this time,” ani Villegas, sa panayam ng PNA. “We don’t need something to be afraid of. We have suffered enough. This can’t be from God. This kind of news is unfair to people who need hope at this time.”
The post Indian prophecy di dapat paniwalaan – CBCP appeared first on Remate.