ISANG resolusyon ang ipinasa ng House committee on ethics and privileges na kumikilala sa naging kontribusyon ng namayapang si Bohol Rep. Erico Aumentado bilang miyembro ng Kamara at dating chairman ng nabanggit na komite.
Ani House Assistant Minority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, bagong talagang chairman ng komite na hindi matatawaran ang mga panukalang isinulong ni Aumentado na nakatutulong sa ekonomiya ng bansa.
Si Romualdez, na siya ring incoming House Minority Leader ay bagong talaga ring presidente ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).
Si Aumentado ay namatay nitong December lamang sa St. Luke’s Medical Center-Global City sa Taguig dahil sa pneumonia.
Ang namayamang kongresisra rin ang nanguna upang mabuo ang guidelines sa pag-iisyu ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) ng mga kongresista maging ng mga empleyado ng Kamara.